Ligo Na U, Lapit Na Me
Titulo pa lang ng libro eh medyo napukaw na ang atensyon ko. Nakaka-“hmmm” ang dating. Matagal ko na ‘tong gustong basahin ‘di lang makahanap ng bwelo. May halong katatawanan, maiinit na tagpo, adventures ng job hunting at side comments tungkol sa mga isyu ng Maynila at pagkabigo sa pag-ibig ang kwentong ‘to.
Masasabi kong sobrang magkataliwas ang karakter ni Karl Vladimir Lennon aka Intoy (tagapagsalaysay ng kwento/pangunahing tauhan) at ng kanyang love interest/ka-friends with benefits and perks na si Jen. Kung gaano ka-bukas ang buhay ni Intoy, ganun naman kahirap ispelengin ang kay Jen. Pukang ama ng baklang baka. Sa aking pananaw, Intriguing ang tema ng istoryang ‘to kaya pumatok sa karamihan.
Medyo hindi lang ako nakiliti sa pagpilit na pagsisiksik ng ilang komentaryo na ni-re-relate sa mismong kwento kahit hindi naman dapat, pampadagdag lang eh parang pinahaba lang tuloy at medyo nawala ‘yung focus sa tunay na paksa ng istorya.
May matinding pagkakahalintulad ang pagsusulat ni Atalia at Ong kung ibabase sa atake ng pagpapatawa kaya’t hindi kataka-takang magaang basahin ang librong ito. Ang Ligo Na U, Lapit Na Me ang unang libro ni Sir Eros Atalia na nabasa ko. Ayos naman, madaling sakyan at nakakabitin ‘yung ending kaya’t panigurado.. hindi ito ang huling akda ni Atalia na babasahin ko.
Rating: ★★★☆☆

Rating: ★★★